LPA, posibleng malusaw pagkatama sa kalupaan ng Mindanao – PAGASA

DOST PAGASA satellite image

Tinututukan pa rin ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na nakapaloob sa umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang LPA sa layong 495 kilometers Silangan ng Davao City dakong 3:00 ng hapon.

Mababa pa rin aniya ang tsansa na maging bagyo ang LPA sa susunod na 24 oras.

Inaasahang kikilos ang sama ng panahon sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran papalapit sa Mindanao.

Posible aniyang malusaw ang LPA pagkalapit sa kalupaan ng Mindanao.

Ani Rojas, asahan naman ang ITCZ ng kalat-kalat na pag-ulan sa nasabing rehiyon hanggang Miyerkules ng gabi.

Sa ibang bahagi naman ng bansa, maaari rin aniyang makaranas ng isolated thunderstorms.

Read more...