Ayon kay Villanueva, inihain ng CIBAC Partylist ang House Resolution 1732 upang masiyasat ng kaukulang komite ng Kamara ang naturang problema at para malaman kung mayroong posibleng anomalya rito.
Hindi aniya dapat masayang ang mga gamot.
Batay sa Commission on Audit o COA noong October 2020, sinabi ni Villanueva na nagkakahalaga ng mahigit sa P2 bilyon ang overstoked na mga gamot ang hindi naipamahagi hanggang sa na-expire na lamang mula sa mga bodega ng DOH noong 2019.
Nauna nang ipinaliwanag ng DOH na tuloy-tuloy naman ang distribusyon ng mga “nearly expired” at overstocked na mga gamot.
Pero giit ni Villanueva, kung patuloy na matetengga ang mga gamot ay hindi lamang nasasayang dito ang pondo ng gobyerno kundi naapektuhan din ang paghahatid ng kalidad na health care services sa mga Pilipino. / Erwin Aguilon
Excerpt: Inihain ng CIBAC Partylist ang House Resolution 1732 upang masiyasat ng kaukulang komite ng Kamara ang naturang problema at para malaman kung mayroong posibleng anomalya rito.