BREAKING: Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 53,214; 4,842 ang nadagdag

Lagpas sa 4,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkuls (May 12), pumalo na sa 1,118,359 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 53,214 o 4.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,842 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.4 porsyento ang asymptomatic; 1.23 porsyento ang moderate; 1.9 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 94 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 18,714 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 8,312 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,046,431 o 93.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...