Ikalawang bugso ng taas-suweldo ng DepEd personnel, inaasikaso na

Inquirer File Photo

Patuloy ang pagsasagawa ng proseso para sa muling pagtataas ng suweldo ng mga kawani ng DepEd, partikular na ang mga guro.

Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, ito ang alinsunod sa Salary Standardization Law na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong 2019.

Ngunit paglilinaw ni Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla ang umento ay hindi lang sa mga kawani ng DepEd kundi maging sa mga iba pang ahensiya ng gobyerno.

Dagdag pa nito ang pagtaas ng suweldo ng mga taga-DepEd ay kasama sa hinihinging pondo para sa kagawaran kada taon.

Nabanggit nito, ang suweldo ng mga may posisyon na Master Teacher 1 hanggang Master Teacher IV ay nasa P42,159 hanggang P60,901.

Magpapatuloy ang pagtaas ng suweldo ng mga guro hanggang 2023.

Read more...