‘Unli’ deployment ng Filipino nurses sa UK pinayagan ng DOLE

Walang itinakdang limitasyon sa pagpapadala ng Filipino nurses sa United Kingdom.

Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello kasunod ng huling ng United Kingdom na hindi sila masakop ng 5,000 deployment cap ng Filipino health care workers sa ibang bansa.

Nilinaw niya na mananatili ang deployment cap ngayon taon sa kabila ng pagiging in-demand ng Filipino helath workers sa ibang bansa at tanging ang UK lang ang exempted.

Nabanggit niya na ang hiling ng UK ay mapadalhan sila ng 2,000 hanggang 3,000 Filipino nurses kada buwan, samantalang ang Germany naman ay nagpahayag ng intensyon ng kumuha ng 15,000 Filipino nurses.

Bagamat aniya ang Germany ay hindi humirit ng exemption sa deployment ban, na ipinatupad para matiyak na may matitirang sapat na bilang ng helath care workers dito sa bansa.

Dagdag pa ni Bello hindi naman kasama sa hinihinging requirement ng iba bansa na kinakailangan may nabakunahan na ng COVID 19 vaccine ang ipapadala sa kanilang health care workers.

 

Read more...