Sa Facebook, inamin ni Non na napaiyak na siya dahil sa sobrang pagod at stress na kaniyang inaabot.
“Kahapon naka-missed ako ng 3 interviews, isang appointment sa donor (na nag-cancel na din ako last week dahil sa red tagging) at isang meeting with city councilor for resolution. Di ako nakapunta sa pantry at di ko talaga sila naharap,” pahayag nito.
Aniya pa, “Truth is umiyak ako kahapon sa pagod, overwhelmed ako… Kasabay nito iniisip ko yung death threat at rape threats sa akin kaninang umaga. Iniisip ko din paano ba finally kontakin si food panda kasi gabi gabi may umoorder pa din under my number. Di ako makalabas kahapon kasi wala naman akong sasakyan ay lalo na wala naman akong security. Hindi ko alam kung worth it ba lumabas para sa photo ops pero kapalit yung safety ko.”
Dahil dito, napagdesisyunan aniya niyang magpahinga muna sa mga interview at photo opportunity ngayong linggo.
“Mag-focus muna po ako sa Pantry, pahinga at sa 1st Monthsary ng Community Pantry. Yun din naman po kasi talaga dahilan bakit ko to sinimulan di for publicity,” ani Non.
“Wag po kayo mag-alala kailangan ko lang po ng pahinga, kumpletong tulog, kain, privacy at security. Kitakits po tayo sa 1st Monthsary Check In ng Community Pantry PH sa Friday, May 14! Yakap sa lahat! 🥺💗,” dagdag pa nito.
Sakaling may katanungan, hinikayat nito ang publiko na bisitahin Community Pantry PH page at basahin ang kanilang FAQs.
Sa naturang page rin aniya pwedeng makipag-ugnayan sa grupo.
“Reminder lang din na simpleng mamamayan lang po ako. Minsan jologs minsan jejemon. Di politician. At lalong di artista. Focus na lang po tayo sa mga pumipila sa pantry sila naman po ang mahalaga dito,” ayon pa kay Non.