Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (May 11), pumalo na sa 1,113,547 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 56,752 o 5.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,734 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 1.17 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 59 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 18,620 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 7,837 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,038,175 o 93.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.