Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 11, nasa 18,569 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,042 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
17 naman ang bagong gumaling kung kaya 11,366 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,161 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,465 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,389 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 983 naman ang kaso sa Americas at 3,732 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.