DOH: 2 Filipino seafarers na nagkaroon ng Indian COVID 19 variant magaling na

Ibinahagi ng Department of Health na kapwa naging asymptomatic ang dalawang sea-based overseas Filipino workers na nadiskubreng nagtataglay ng sinasabing mas mapanganib na COVID-19 variant na nadiskubre sa India.

Ayon sa kagawaran, ang isa ay 37-anyos na lalaki na galing sa Oman at ito ay dumating sa Pilipinas noong Abril 10 at ngayon ay nasa Central Visayas region.

Nabatid na gumaling na ito noong Abril 26 at nag-negatibo sa kanyang test noong Mayo 3.

Samantala, galing naman sa United Arab Emirates at isa pang nagtaglay ng bagong COVID 19 variant at nagbalik ito sa bansa noong Abril 19.

Ang 58-anyos na lalaki ay idineklarang magaling na sa sakit noong Mayo 6.

Kapwa naging asymptomatic ang dalawa at parehas din na hindi bumiyahe sa India.

Read more...