Umabot na sa 904 na indibidwal ang naaresto sa iba’t-ibang bahagi ng bansa dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, naaresto ang 904 indibidwal mula Mayo 6 hanggang 10.
Sinabi pa ni Año, na 18,862 ang kabuuang bilang ng mga nahuli na hindi nagsusuot ng face mask ng maayos pero 904 lamang ang tuluyang inaresto.
Sa naturang bilang, 9,379 ang biniggyan ng warning, 8,027 ang pinagmulta, 491 ang pinagawa ng community service habang 61 ang isinailalim sa inquest proceedings.
Mayo 5 nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police ang mga hindi nagsusuot ng face mask ng maayos.
Ikinadidismaya kasi ng Pangulo na marami ang hindi sumusunod sa health protocols kung kaya patuloy pa ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.