Pangulong Duterte hindi takot kay Carpio

Photo grab from PCOO Facebook video

Hindi ako takot sa iyo.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pag-atras ng debate kay dating Chief Justice Antono Carpio kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, nakalimutan lang niya na hindi pala presidente si Carpio.

“Hindi ako takot sa iyo. Ang problema hindi ko nga alam na hindi ka presidente. That’s about it,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang tinanggap ni Carpio ang hamon ni Pangulong Duterte na debate pero sa halip na patulan, itinalaga si Presidential Spokesman Harry Roque bilang kanyang kinatawan.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi siya takot na makipag-debate kay Carpio.

Katunayan, ayon sa Pangulo, ilang debate na ang kanyang nadaanan noong panahon ng kampanya noong 2016 presidential elections.

Lalabas kasi aniyang policy statement ang mga bibitawang salita kung itutuloy ang debate kay Carpio.

“So eh policy statement kung anong itanong niya masasabi ko and I might bind future actions of government pagdating dito sa West Philippine Sea pero doon ako sa kahon. It’s not because I am afraid of debates. Ilang debate na dinaanan ko noong eleksyon, araw-araw halos,” pahayag ng Pangulo.

 

 

 

Read more...