Bilang ng nabigyan ng ‘ECQ ayuda’ sa Maynila, halos 378,000 na

Manila PIO photo

Tuloy pa rin ang pamimigay ng tulong pinansiyal sa mga naapektuhan ng Enhanced Communit Quarantine (ECQ) sa Maynila.

Sa huling tala ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) hanggang 5:00, Lunes ng hapon (May 10), umabot na sa 377,993 pamilya ang nakatanggap ng tig-P4,000 na ‘ECQ ayuda’ mula sa national government.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 99.26 porsyento ng kabuuang benepisyaryo ng ayuda.

Naipamahagi ang financial aid sa nasabing bilang ng benepisyaryo sa Maynila sa loob ng 34 araw.

Maliban dito, 6,421 persons with disabilities at 4,241 solo parents ang nakatanggap ng emergency financial assistance.

Nabigyan din ng ayuda ang 17,508 persons under vulnerable groups at 9,072 pamilya sa left-out barangays.

Mahigpit ang pagtalima sa minimum health protocols sa mga distribution area.

Pinayuhan naman ang iba pang benepisyaryo na hintayin lamang ang pagdating ng MDSW staff sa kanilang komunidad sa mga susunod pang araw.

Read more...