Umabot na sa kabuuang 4,009,880 ang nai-deploy na bakuna kontra sa COVID-19 sa vaccination sites sa bansa, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, inihayag ng kalihim na mayroon nang 3,410 na vaccination sites sa buong bansa.
Base pa sa datos, nasa 1,957,965 katao na ang naturukan ng first dose habang 451,270 naman ang nabigyan na ng second dose.
Dahil dito, 2,409,235 na ang bilang ng mga nabakunahan sa hanay ng Priority A1, A2, A3 at A4.
Inihayag din ni Galvez na pangalawa na ang Pilipinas sa vaccination rollout sa ASEAN countries.
Umangat na kasi aniya ang daily average rate ng bansa sa 65,879.
Sa ngayon, Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V ang ginamit na bakuna sa vaccination drive ng bansa.