Sinimulan na ng pamahalaan ang pamamahagi sa iba’t ibang panig ng bansa ng bakuna kontra COVID-19 ng AstraZenica na dumating noong nakalipas na araw.
Ayon kay Department of Health Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergerie, ito ay matapos mabigyan ng ‘go signal’ na ligtas itong gamitin.
Pinakamarami aniyang bakuna ang mapupunta sa NCR plus bubble, Region 3 at Region 4A.
Iginiit nito na mas mataas ang benepisyo ng bakuna ng AstraZeneca kumpara sa mga napaulat na side effects nito.
Gayunman, sabi nito, handa ang DOH sa anumang side effects ng bakuna.
Inihinto ang paggamit ng nasabing bakuna matapos mapulat ang mga blood clotting sa ibang bansa.
Base aniya sa pag-aaral na ginawa ng mga expert ay wala namang ganitong ulat sa Pilipinas.
Noong Sabado, dumating sa bansa ang mahigit dalawang milyong bakuna ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.