Dumating na sa Pilipinas ang mahigit 193,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer-BioNtech, Lunes ng gabi.
Dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado 9:00 ng gabi.
Ang mga nasabing bakuna ay donasyon ng COVAX facility ng World Health Organization (WHO).
Ito ang unang shipment ng Pfizer-BioNtech vaccine na dumating sa bansa at ika-apat na shipment ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility.
Ayon sa WHO Philippines, aabot na sa 2.74 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng Pilipinas mula sa COVAX.
Sinalubong naman ng ilang opisyal ng gobyerno ang pagdating ng naturang bakuna.
MOST READ
LATEST STORIES