Magandang balita para sa mga empleyado ng Manila City hall.
Inaprubahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagri-release ng P350 milyong budget para sa mid-year bonus sa 8,745 na city government workers.
Ayon kay Mayor Isko, ibibigay sa payroll ng mga manggagawa ang mid-year bonus sa Mayo 18.
Tuloy pa rin kasi aniya ang mid-year bonus kahit may pandemya sa COVID-19.
“Para po maibsan ang hirap na tatahakin ng ating mga manggagawa natin sa pamahalaang lungsod dahil sa COVID-19 pandemic,” pahayag ni Mayor Isko.
“We are under the State of Emergency in the city of Manila and at the same time, we are under the State off Public Health emergency as declared by the President,” dagdag ng Mayor.
MOST READ
LATEST STORIES