Mayor Tiangco, nabigyan na ng second dose ng COVID-19 vaccine

Photo credit: Mayor Toby Tiangco/Twitter

Naturukan na si Navotas City Mayor Toby Tiangco ng second dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa alkalde, nabigyan siya ng second dose ng CoronaVac sa San Jose Academy, araw ng Lunes (May 10).

28 araw aniya ang hinintay bago makumpleto ang dalawang dose ng bakuna.

Kailangan aniyang makumpleto ang doses para buo ang proteksyon kontra sa nakakahawang sakit.

Paalala naman nito, “Gayunpaman, di po 100% na di tayo magkakasakit ng COVID kapag bakunado na tayo. Ang bakuna ay nagbibigay sa atin ng proteksyon para di tayo magkakaroon ng severe o malalang COVID at di tayo manganganib maospital o mamatay.”

Dahil dito, pinayuhan ng alkalde na kasabay ng pagpapabakuna, patuloy pa ring sumunod sa minimum health protocols.

Read more...