Ayon kay Defensor, malaking tulong ang maagang release ng naturang incentive sa mahigit isang milyong kawani ng pamahalaan sa gitna ng pandemya, lalo na sa healthcare workers at iba pang frontliners.
Tinukoy ng kongresista na sa ilalim ng Republic Act No. 11466 na ipinasa ng Kongreso, ang mga taga-gobyerno mula sa Presidente hanggang sa janitor o clerk ay tatanggap ng mid-year bonus na katumbas ng isang buwang sahod.
Dapat itong maibigay ng hindi mas maaga sa May 15 kada taon.
Pero dahil nataong araw ng Sabado ang May 15, 2021, umapela si Defensor sa DBM na i-advance na ang release ng nito sa Biyernes.
Iginiit naman ng mambabatas na dapat sana’y mas malaking halaga ng incentive ang makukuha ng government nurses kung hindi lang sila dinemote ng DBM sa Budget Circular.