BREAKING: Naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas, umabot na sa 1,108,826

Lagpas sa 6,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (May 10), pumalo na sa 1,108,826 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 59,897 o 5.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 6,846 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 1.10 porsyento ang moderate; 1.7 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 90 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 18,562 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 8,193 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,030,367 o 92.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...