Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga sa operasyon ng mga pulis sa Pasig City, linggo ng gabi.
Sa ulat, alas-9:10 nang ikasa ang Coplan Chain Knuckle sa Axis Road, Barangay Kalawaan ng naturang bayan.
Sinasabing nanlaban si Arthur Abdul at ang kasama nito.
Nakumpiska sa operasyon ang 22 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P149.6 milyon, isang Nissan Sentra (XJG 404), isang .45 at isang .380 na baril.
Sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang mga napatay ay ang nagpapakalat ng droga ni Michael Lucas Abdul na naaresto sa hiwalay na operasyon sa DasmarinĚas City, Cavite noong nakaraang Abril 26.
Dagdag ni Eleazar ang droga na ikinakalat nina Abdul ay kinukuha nila sa isang alias Bating, tubong Mindanao at bodegero ng isang Chinese drug lord.
Ikinakalat ng grupo ang kanilang droga sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.