Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang ilang bodega sa Navotas City at Pasay City, na kapwa pinaghihinalaang pinagtataguan ng mga kontrabando.
Magkatuwang na sinalakay ng mga tauhan ng BOC – Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement Group Enforcement and Security Service (EG-ESS) ang isang storage facility sa Navotas City at nadiskubre ang P16 milyong halaga ng smuggled na karne ng Peking duck at black duck.
Samantala ang isa pang grupo ng mga ahente ng kawanihan ay nagsilbi ng letter of authority (LOA) sa ilang bodega sa Pasay City at nadiskubre ang mga pekeng gamit pang-kasuotan.
Ang mga ito ay taglay ang kilalang brands tulad ng Nike, Lacoste, Jag, Louis Vitton, Jordan, Crocs, Adidas, Havianas, Disney, Frozen, Hello Kitty, Tribal, Dickies, Mossimo, Levi’s, Petrol, Gap, Fila, Uniqlo, Lee, Puma, DC, and Marvel.
Tinatayang aabot sa P300 milyon ang halaga ng mga nasabat na mga gamit.
Mahaharap sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang mga nagmamay-ari ng mga naturang kontrabando.