65-anyos na lola patay sa sunog sa Caloocan City

Isang lola ang nasawi sa sunog sa isang residential area sa Marigold St., BF Homes, Brgy. 168, Caloocan City, Lunes ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Joana Makawili, 65 anyos.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, hindi nakalabas sa nasusunog nilang bahay ang biktima.

Natagpuan ang bangkay nito sa bathtub ng bahay.

Nakaligtas naman ang mga kasama nito.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog dakong 3:10 ng madaling-araw at naapula ganap na 4:34 ng umaga.

Umabot lamang sa unang alarma ang nasabing sunog.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.

 

Read more...