Patuloy na nakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang MIMAROPA kasama na ang Kalayaan Island ay makararanas ng maulan na kalangitan na may kalat-kalat nap ag-ulan, pagkidlat at pagkulog.
Maulap na kalangitan naman na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Visayas at Mindanao dahil sa ITCZ.
Easterlies naman ang umiiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Magkakaroon dito ng maaliwalas na panahon pero possible ang pagkakaroon ng mga isolated thunderstorm sa hapon at gabi.
Ang araw ay sumikat 5:30 ng umaga at inaasahang lulubog 6:15 mamayang gabi.
MOST READ
LATEST STORIES