Halos 700,000 OFW naserbisyuhan ng One-Stop Shop sa NAIA

Umakyat na sa mahigit halos 700 libong mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naserbisyuhan ng One-Stop Shop (OSS) sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa Department of Transporation, kabuuang 669,923 OFW ito mula sa tatlong terminal ng NAIA.

202,346 OFW sa Terminal  1 habang 265,864 sa Terminal 2 at 201,713 sa Terminal 3.

Ito ayon sa ahensya ay simula noong April 23, 2020 hanggang May 6 ng kasalukuyang taon.

Bukod dito, mayroon ding 174,661 Overseas Filipinos at turista ang nabigyan ng serbisyo ng OSS sa NAIA.

Kabilang sa ibinibigay na serbisyo ng OSS ay ang pag-aayos ng pasilidad kung saan ang mga ito sasailalim sa mandatory quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Iginiit ni Transport Secretary Arthur Tugade na hindi dapat mahinto ang pagbibigay ng serbisyo sa mga OFW dahil ang mga ito ang itinuturing na mga makabagong bayani ng bansa.

Bukod pa anya rito ang mga healthworkers at iba pang mga frontliners.

 

 

Read more...