Apektado ng umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone(ITCZ) ang malaking bahagi ng Visayas, buong Mindanao at lalawigan ng Palawan.
Ayon sa PAGASA, ang mga nasabing lugar ay makararanas ng mga kalat-kalat nap ag-ulan, pagkidlat at pagkulog.
Samantala, easterlies naman o mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean ang iiral sa Luzon.
Dahil dito, mainit at maalinsangang panahon ang mararanasan sa tanghali hanggang hapon.
Sabi ng weather bureau, wala silang inaasahang papasok na bagyo sa loob ng 24 na oras hanggang 36 na oras.
MOST READ
LATEST STORIES