193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, darating sa Mayo 10

Darating na sa bansa sa Lunes, Mayo 10 ang 193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Ito ang ibinunyag ni Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Duque, bukod sa 193,000 doses, may susunod pang parating na Pfizer vaccine na 1.1 million doses mula sa COVAX Facility.

Kanina lamang, dumating ang dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccines.

Sa ngayon, nasa 7.5 million doses na ng bakuna kontra COVID-19 ang nakukuha ng Pilipinas.

 

Read more...