2 milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines dumating na sa bansa

(File photo)

 

Dumating na sa bansa ang dalawang milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines mula sa COVAX Faacility.

Dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City sakay ng Singapore Airlines commercial flight.

Una rito, sinabi ni Senador Bong Go na darating sa Mayo 8 ang mga bakunang gawa ng AstraZeneca.

Gagamitin ang mga bakuna bilang second-dose shot ng mga medical frontliners, senior citizen at may mga comorbidities.

Read more...