(Pasay PIO)
Ipinahayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang kagustuhan na matapos ang pamamahagi ng P1,000 enhanced community quarantine (ECQ) cash aid bago ang ang paggunita ng Mother’s Day sa darating na araw ng Linggo, Mayo 9.
Ayon kay Calixto-Rubiano, may 2,000 benipesaryo na lang ang hindi pa nabibigyan ng kanilang ayuda.
Paliwanag niya, bukas ay kinakailangan na magsumite na ng sertipikasyon ang bawat barangay sa City Treasurer’s Office na wala na sa kanilang lugar ang hindi pa nabibigyan ng ayuda.
Samantala, hanggang ngayon umaga, 53 porsiyento ang occupancy rate sa COVID-19 ward sa Pasay City General Hospital at may available na apat na COVID ICU beds.
Sinabi pa ni Jun Burgos, ang tagapagsalita ng lungsod, may bakante na 11 COVID-19 regular beds at may 10 kama na bakante sa transition wards.
Bukas din ang Emergency Room ng naturang ospital para tumanggap ng COVID and non-COVID cases.