Inanunsiyo ni Senator Christopher Go ang pagdating sa bansa simula bukas ng mga karagdagang COVID 19 vaccines.
Sinabi nito na bukas ay darating ang 1.5 milyong CoronoVac doses ng Sinovac mula sa China.
Sa Sabado naman ng hapon, dalawang milyong doses ng AstraZeneca ang darating mula sa COVAX facility.
Aniya at base na rin sa impormasyon mula kay vaccine czar Carlito Galvez Jr,m maraming bakuna pa ang darating sa bansa sa susunod na linggo at buwan.
Hiling lang ni Go; “sumunod tayo sa priority list, walang magpapa-importante, walang magpapa-VIP, dahil lahat naman tayo ay nangangailangan mabakunahan. Kung madagdagan natin ang ating daily vaccination rate mula sa kasalukuyang 133,000 daily rate, mas maraming mga Pilipino ang mababakunahan, at mas mabilis nating ma-attain ang herd immunity sa community.”
Pakiusap din niya mula sa publiko ay huwag katakutan ang bakuna.