Mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño bumisita sa Lumad evacuees sa Davao City

From Kilab Multimedia
From Kilab Multimedia

Nagtungo sa UCCP Haran Sanctuary sa Davao City ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño.

Pawang mga Manobo evacuees ang pansamantalang nanunuluyan sa nasabing sanctuary.

Personal na nakipagkita ang singer at si Diño sa Manobo students at leaders na pawang mula sa Talaingod, Kapalong at White Culaman, Kitaotao sa Bukidnon.

From Kilab Multimedia

Si Seguerra ay aktibo sa kampanya at pananawagang itigil ang pagpaslang sa mga Lumads at gayundin sa Save Our Schools campaign.

Nabisita na rin niya noon ang mga Manobo evacuees sa Alcadev school sa Surigao del Sur.

Kinondena ng singer-actress ang pagtrato ng pamahalaan sa lumads

Pinasalamatan naman ni Lumad leader Jong Monsod na mula sa Pasaka Lumad Confederation of Southern Mindanao ang pagdating ni Seguerra at Diño.

Magugunitang ang mag-asawa ay naging aktibo rin sa pangangalap ng pondo para may maipang-piyansa ang mga nakulong na magsasaka sa Kidapawan.

 

Read more...