Baseco housing project sa Tondo binisita ni Mayor Isko Moreno

MANILA PIO PHOTO

Sinilip ni Manila City Mayor Isko Moreno ang BaseCommunity, isang townhouse-style housing project sa Baseco Compound sa Tondo.

Ayon sa alkalde, layon ng proyekto na mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap na pamilyang Manilenyo sa pamamagitan ng paghahandog ng abot-kaya at disenteng pabahay sa kanila.

Ang BaseCommunity ay may 229 two-story units kung saan ang bawat 42-square meter unit ay may dalawang kuwarto, banyo, at kusina.

Bukod sa BaseCommunity, sinimulan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagpapatayo sa 15-story housing projects na Tondominium 1 at 2 na may 336 units at Binondominium sa Binondo area na may 126 units.

Inaasahang matatapos ang pagpapatayo sa BaseCommunity ngayong buwan habang inihahanda na rin ang pagtatatag ng isang housing project para naman sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa Maynila.

Read more...