Pangulong Duterte hinamon ng debate si retired SC Associate Justice Carpio sa isyu sa West Philippine Sea

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Supreme Court Senio Associate Justice Antonio Carpio ng debate kaugnay sa mga isyu sa West Philippine Sea.

Dahil pareho naman silang abogado, ayon sa Pangulo, mas makabubuting idaan na lamang sa debate ang naturang usapin.

Ginawa ng Punong Ehekutibo ang hamon dahil sa patuloy na pagbatikos sa kanya ni Carpio dahil sa hindi paggigiit sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration kaugnay sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa China sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, dalawa o tatlong tanong lang ang kanyang ipupukol kay Carpio.

“Itong Carpio naman, sulat nang sulat ng mga decision para sa kanyang utak lang. Isa ring ugok itong… Bak… Supreme Court justice pareho man tayo abugado. Gusto — eh gusto mo magdebate tayo? Mga dalawa, tatlong tanong lang ako. Sino ang nagpa-retreat? At anong ginawa ninyo after sa retreat?” aniya.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na susuntukin niya si dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario dahil na rin sa pangungulit nito na ipaglaban ang teritoryo at integridad ng Pilipinas.

 

Read more...