P5.5B ayuda sa jeepney, bus drivers nakalso, pinaaayos ni Sen. Grace Poe sa DOTr, LTO

Hiniling ni Senator Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na paspasan na ang pagpapalabas ng P5.58 bilyon sa service contracting program.

Sinabi ni Poe, na ipinaglaban sa pagtalakay sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang ayuda,  hindi na ito umusad dahil sa ‘bureaucratic traffic.’

Ginawa ni Poe ang panawagan matapos ibahagi ng Move as One Coalition na P46.1 milyon o wala pang isang porsiyento ng kabuuang nailaan na pondo ang naipamahagi sa mga benipesaryo.

Ayon sa senadora magtatapos ang bisa ng alokasyon sa darating na Hunyo 30.

“At the rate we’re falling behind, it seems that the funds we appropriated are set on an expressway to the Treasury,” sabi nito.

Sa naturang programa, direktang bibigyan ng subsidiya ng gobyerno ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan para makaagapay sa pagtamlay ng biyahe at dahil na rin sa pagbabawas ng kapasidad dahil sa social distancing rule.

Dagdag pa ni Poe, maari naman palawigin ang programa ngunit aniya sa nangyayaring mabagal na pagbibigay ng ayuda, mukhang hindi na ito magandang ipagpatuloy pa.

 

Read more...