Bilang ng mga walang trabahong Filipino bumaba sa 3.44M noong Marso

Nabawasan ng 700,000 ang bilang ng mga walang trabahong Filipino noong nakaraang buwan ng Marso, base sa huling Labor Force Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 3.44 milyon o 7.1 porsiyento ang mga walang trabaho noong Marso kumpara sa 8.8 porsiyento o 4.19 milyon noong Pebrero.

Aniya ito na ang pinakamababang unemployment rate sa bansa simula noong Marso 2020, kung kailan ang bilang ng mga walang trabaho (edad 15 pataas) ay humataw sa 17.7 porsiyento.

Marami ang nawalan ng trabaho noong nakaraang taon sa kasagsagan ng lockdown bunga ng pandemya.

Ang March survey ay isinagawa bago ang muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat pang katabing probinsiya.

Read more...