Pangulong Duterte nag-sorry na nagpaturok ng Sinopharm vaccine, 1,000 doses pinababalik sa China

Ipinasasauli i ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Chinese Embassy ang 1,000 doses ng Sinopharm vaccines na ibinigay sa  Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, tugon niya ito sa batikos ng mga medical experts nang bakunahan siya ng Sinopharm, na wala pang emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi pa nito, bago pa man nagsimula ang kanyang Talk to the People kagabi, Mayo 5, nakausap na niya si Chinese Ambassador Huang Xilian at ipinaabot ang kanyang nais na ibalik na lamang sa China ang mga ibinigay na bakuna kontra COVID-19.

“So here’s a deal, sinabi ko kay ambassador criticized nila kasi hindi nga dumaan ng examination ‘yong Sinopharm, sabi ko tanggalin mo na lang. You withdraw all Sinopharm vaccines, 1,000 of them. Huwag ka na lang magpadala ng Sinopharm dito para walang gulo. Sabi ko ibigay mo lang sa amin ‘yong Sinovac na ginagamit sa lahat,” pahayag ng Pangulo.

Humingi rin ng paumanhin ang Pangulo sa pagpapaturok ng Sinopharm.

“So we are sorry. You are right, we are wrong. Ang Sinopharm maybe tomorrow or the following day wala na ‘yan. I made it as a personal request. Ngayon, ‘yong tinurok sa akin, I said, it’s a decision of my doctor and all things said this is my life. Alam ko man compassionate use so there was this legal point that made it possible for me to… Sinabi ng doktor Sinopharm because of the record outside of the Philippines na maganda ang ano, and all of the Chinese officials Sinopharm,” pahayag ng Pangulo.

Pero ayon sa Pangulo, personal niyang hiniling sa kanyang mga doktor na mabakunahan ng Sinopharm.

 

 

Read more...