Sa ikalawang magkasunod na araw ay nakapagtala ng mahigit lamang na 5,000 kaso ng bagong COVID-19 ang Department of Health.
Ayon sa DOH, 5,685 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw dahilan upang umakyat na sa kabuuang 1,073,555 ang mga tinamaan ng nakamamatay na sakit.
Pumalo naman sa 62,713 ang mga aktibong kaso
Mayroon namang naitalang 8,961 na gumaling kaya pumalo na ito sa 993, 042.
178 ang bagong nasawi kaya umakyat na ang kabuuang bilang ng namatay sa 17,000.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.8% ang aktibong kaso, 92.5% ang gumaling, at 1.66% ang namatay.
Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw sabi ng DOH ay dulot ng kaunti lamang na mga samples na natanggap ng mga laboratoryo noong nakaraang Sabado at Linggo.
Mayroon ding 22 nadoble sa kabuuang bilang ang inalis sa datos kung saan 17 dito ang mga gumaling.
Mayroon ding 112 na naunang naiulat na gumaling pero matapos ang final validation nabatid na nasawi ang mga ito.