Hihilingin ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Department of Health (DOH) at sa Professional Regulation Commission (PRC) na pahintulutan ang mga unregistered nurses na matugunan ang kakulangan ng health workers sa bansa.
Ayon kay Velasco, ang mga nagtapos ng nursing na hindi pa sumailalim sa board exam bunsod ng COVID-19 pandemic ay maaaring gamitin bilang complementary manpower para makatulong sa kakulangan ng mga medical frontliners.
Pinag-aralan din naman anya ng mga ito ang trabaho ng mga nurse subalit wala panmg lisensya.
Maari anya ang mga itong magtrabaho sa ilalim ng pangangasiwa ng isang registered nurse o doctor at sa pamamagitan ng isang special arrangement sa pagitan ng PRC.
Ipinagpaliban ng PRC ang nursing board exam ngayong taon na nakatakda sana sa May 30 at 31 alinsunod na rin sa hiling ng Philippine Nursing Association dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Inilipat naman ang araw ng exam ngayong taon sa November 21 at 22.