Secretary Roque sa Hulyo pa magpapabakuna kontra COVID-19

Photo grab from PCOO Facebook video

Sa buwan pa ng Hulyo magpapaturok ng bakuna kontra COVOD-19 si Preaidential Spokesman Harry Roque.

Katwiran ni Roque, mayroon pa kasing anti-bodies si Roque matapos makarekober sa COVID-19.

Matatandaang nag-positibo sa COVID-19 si Roque noong Marso.

Sa katunayan ayon kay Roque ay nang pumasok siya kamakalawa sa Palasyo ay lumabas na IGG/ IGM positive siya na isang patunay na mayroon pa siyang immunity sa COVID-19.

Sinabi pa ni Roque na sa Hulyo na lamang siya magpapabakuna dahil ito ang panahon ng pagdating ng bulto-bulyong bakuna.

Hindi naman anya siya mamimili ng brand ng bakuna.

Matatandaang nagpabakuna na kontra COVID-19 sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo gamit ang bakunang Sinopharm ng China.

Read more...