BREAKING: Anim na dumating sa bansa at dumaan ng India bago ang travel ban, nagpositibo sa COVID-19

Iannunsyo ni Health Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergerie na nagpositibo sa COVID-19 ang anim na indibidwal na dumaan ng India at dumating sa bansa bago ang travel ban.

Ayon kay Vergerie, naka quarantine pa rin ang mga ito.

Ang mga ito ay kabilang sa mahigit 100 pasahero na dumaan sa bansang India.

Isasailalim anya sa genome sequencing ang samples mula sa mga ito upang malaman kung mayroong B.1.617 na variant o India variant ng COVID-19.

Read more...