Hindi polisiya ng Palasyo ng Malakanyang ang ginawang pagmumura ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa China.
Sa tweet ni Locsin, sinabihan ng kalihim ang China na “get the f*ck out” of Philippine waters” dahil sa patuloy na pananatili ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga binitiwang maanghang na salita ni Locsin ay bahagi ng kanyang karapatan ng malayang pananalita.
Sinabi pa ni Roque na personal na pananaw ni Locsin ang naturang pahayag.
Ang anuman anyang pagkakaiba ng Pilipinas at China sa usapin sa West Philipine Sea ay hindi magiging basehan sa bilateral relations ng dalawang bansa.
MOST READ
LATEST STORIES