5,683 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw; 97 nasawi

Nakapagtala ang Department of Health ng panibagong 5,683 kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito umakyat  na sa kabuuang 1,067,892 ang tinamaan ng COVID-19.

Ang aktibong kaso naman ay 66,060.

Mayroon namang 97 ang naiulat na bagong nasawi dahilan upang umakyat na sa 17,622 ang namamatay sa sakiot.

Mayroon naman na 9,028 na bagong gumaling kaya aabot na sa 984,210 ang mga nakarecover sa sakit.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.2% ang aktibong kaso, 92.2% na ang gumaling, at 1.65% ang namatay.

Mayroong 15 nadobleng entry ang inalis sa data ng DOH kabilang ang 11 mga gumaling.

Mayroon ding 40 kaso na naunang naitala bilang nakarecover ang nabatid na nasawi matapos ang final validation.

Sinabi ng DOH na 21 laboratory din ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

Read more...