Ayon kay Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nagsimula ang sagupaan alas 9:30 ng gabi kagabi sa Amoloy sa bayan ng Tipo-Tipo.
Naganap ang engkwentro ilang sandali lamang matapos ang pagsabog ng isang improvised explosive device malapit sa isang gasolinahan sa Lamitan City.
Sa ngayon patuloy ang isinasagawang pursuit operations ng mga sundalo laban sa bandidong grupo.
Tuloy-tuloy ang operasyon ng AFP laban sa mga terorista sa lugar kasunod ng pagkasawi ng labing walong sundalo sa sampung oras na sagupaan sa Tipo-Tipo, Basilan noong April 9.
Ang nasabing pag-atake sa mga sundalo ay inako ng grupong Islamic State.