Muntinlupa LGU tinanggap ang 3,000 doses ng Sputnik V vaccines

MUNTINLUPA CITY PIO PHOTO

Nasa kamay na ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa ang 3,000 doses ng Sputnik V vaccines na bahagi ng dumating na 15,000 doses na dumating sa bansa noong nakarang Sabado.

Ayon kay Ms. Tez Navarro, tagapagsalita ng lungsod, tinanggap ni Dr. Juancho Bunyi, officer in charge ng City Health Office, ang mga bakuna na gawa sa Gamaleya Research Institute sa Russia.

Nabanggit ni Navarro na ang mga bagong dating na bakuna ay ituturok sa mga nasa A2 at A3 Vaccination Priority List simula sa darating na Miyerkules sa Ospital ng Muntinlupa at Asian Hospital and Medical Center.

Inaasahan na sa mga darating na araw darating sa bansa ang 485,000 doses ng Sputnik V vaccines.

Samantala, nakatakdang buksan bukas ng lokal na pamahalaan ang pang-apat na major vaccination hub sa Barangay Sucat covered court.

Una nang nabuksan ang vaccination hubs sa Ayala Malls South Park; Filinvest Alabang Steel Parking at SM Center Muntinlupa open parking area.

Read more...