Kaugnay nito, kabuuang 1,062,225 ang naitalang kaso ng nakakamatay na sakit sa bansa at may 69,466 ang aktibo o may katumbas na 6.5 porsiyento.
May 9,214 naman na gumaling samantalang napatungan ng 94 ang bilang ng mga nasawi sa sakit.
Sa kabuuan, 975,234 na ang gumaling katumbas ng 91.8 porsiyento, samantalang umaabot na sa 17,525 (1.65 porsiyento) ang namatay.
Noong Mayo 1, may 44,107 ang na-test at 15.7 porsiyento sa kanila ang nagpositibo.
Sa mga nakumpirmang kaso, 96.5 porsiyento ang mild at asymptomatic, samantalang sa mga aktibong kaso ngayon 94.7 porsiyento ang nakakaranas ng mild symptoms.
MOST READ
LATEST STORIES