Online oral arguments sa ‘junk Terror Law’ petitions sa Supreme Court tuloy

Itutuloy bukas ng Korte Suprema ang oral arguments sa 37 petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Ang diskusyon ay isasagawa online at inaasahan na ipagpapatuloy lang ng mga mahistrado ang kanilang interpelasyon sa mga abogado ng Office of the Solicitor General.

Noong nakaraang Abril 27 dinipensahan ng mga abogado ng OSG ang pagkakapasa sa batas kasabay ng hiling ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na ibasura ang lahat ng mga petisyon.

Katuwiran niya may mga pangyayari na sumusuporta sa kanilang posisyon at diin niya walang basehang legal ang mga naghain na mga petisyon para kuwestiyonin ang batas.

Isinisisi sa batas ang red-tagging sa ilang organisasyon at indibiduwal, kasama na ang mga nagtatag ng community pantries.

Sinabi din ni Justice Sec. Menardo Guevarra na may ilang personalidad na pinalakas ang loob ng naturang batas na mag-‘red tag’ ng ilang grupo at indibiduwal.

 

Read more...