Ngunit inatasan na ni Sec. Eduardo Año ang PNP na magbantay ng husto sa maaring pagkalat ng mga pekeng bakuna na lubhang delikado para sa mamamayan.
Nag-ugat ang hakbang ng DILG sa ‘lookout alert’ na inilabas ng World Health Organization noong nakaraang buwan.
“Meron kasing global medical product alert na nilabas yung WHO last month at ito ay tungkol sa isang fake na vaccine mula sa Pfizer Biontech. Meron siyang name na BNT162B2 at ito ay nadiscover na sa Mexico kay nagbigay tayo ng babala. Wala pa naman tayo namomonitor dito sa bansa pero alam mo naman mahirap kapag may makarating dito at magsimulang dumami at ang ating mga kababayan ay malagay sa pahamak o panganib ng kanilang kalusugan,” sabi ng kalihim.
Dagdag pa ni Año dapat ay malaman din ng publiko ang mga naturang modus at giit niya tanging ang gobyerno lang ang maaring magbigay ng bakuna laban sa nakakamatay na sakit.
Sa ngayon ang tanging bakuna na nakarating sa bansa ay ang CoronaVac, AstraZeneca at Sputnik V.