Sa pagharap ni Herrera sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Pharmaceutical Industry Inc. (PCPI), sinabi nito na dahil dito ay mapabubuti ang access ng bansa sa de kalidad, abot-kaya, ligtas at epektibong gamot.
Ngayon aniyang nagpapatuloy ang pandemya ay lalong nakita ang ang papel ng local drug manufacturers.
Giit ng kongresista, ang mahalaga ngayon ay maka-survive ang bansa sa krisis maging self-sufficient industry at magamit ang sariling mga resources partikular ang industriya ng local pharma.
Sa kasalukuyan aniya ay bumabalangkas na ang Kongreso ng panukala na magpapalakas sa pharmaceutical production ng bansa.
Kasabay nito ay hinihimok din ng kongresista ang naturang sektor na tulungan ang mga mambabatas na makahanap ng paraan para mabawasan ang pagdepende ng bansa sa mga imported na gamot.
Pinag-aaralan na rin aniya ni Speaker Lord Allan Velasco na pautangin ang local pharma industry sa ilalim ng Bayanihan 3 upang makapagproduce ng kinakailangang gamot at bakuna sa bansa.