Kabilang din sa pinalagan ng kagawaran ay ang patuloy na ilegal na presensiya ng daan-daang Chinese fishing vessels at maritime militia vessels sa paligid ng Pag-asa Islands, Zamora Reef, Panata and Kota Islands, Ayungin Shoal, Quirino Atoll, at Bajo de Masinloc.
Ibinasura din ng DFA dahil sa walang basehan ang pahayag noong Abril 26 ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin na teritoryo ng China ang Bajo de Masinloc.
“The Kalayaan Island Group (KIG) and Bajo de Masinloc are integral parts of the Philippines over which it has sovereignty and jurisdiction. The Philippines’ conduct of maritime patrols and training exercises in these areas is a legitimate and routine act of a sovereign country in its territory and territorial waters and is part of the Philippines’ administrative responsibility,” ayon sa inilabas na pahayag ng kagawaran.
Diin pa ng DFA walang karapatan ang China sa mga nabanggit na bahagi ng West Phillipine Sea at hiniling na irespeto nito ang sobereniya ng Pilipinas.