Ito ang bilin ni Sen. Panfilo Lacson dahil aniya hati pa rin ang sambayanan maging sa isyu ng panghihimasok na ng China sa teritoryo ng Pilipinas
“We are a deeply divided nation. DDS and Yellows bicker about anything. Worse, they assume that everybody else is their proxy. Right or wrong, either you’re with them or against them. Absolutely false! There are many of us who speak our own minds, not theirs,” ang social media post ng senador.
Aniya dapat tigilan na ang ‘bashing’ sa isat-isa ng magkakaibang opinyon sa isyu.
“You say something the DDS consider unflattering, you get branded a Yellow, and vice-versa. The truth is, that is not the real situation. There are many Filipinos who have their own stand on the issue,” aniya.
Diin ni Lacson naguguluhan ang sambayanan kapag pinag-aawayan ang isyu at nauuwi sa kuwentahan at sumbatan.
Inulit niya ang alok ng malalakas na bansa para mapanatiling balanse ang kapangyarihan sa West Philippine Sea dahil hindi talaga kakayanin ng Pilipinas na tapatan ang kakayahan ng China.