Ito ang ibinahagi sa isang panayam kay OCTA Research fellow Guido David at aniya ang reproduction rate ay 0.83 hanggang noong nakaraang linggo, samantalang ang average na bilang ng kaso kada araw ay 3,144 hanggang kahapon, Mayo 1.
Sinabi nito, ang naitalang pinakamataas na 5,500 sa Metro Manila sa kasagsagan nang pagsirit ng kaso ay bumaba ng 43 porsiyento.
Dagdag pa ni David 17 porsiyento na lang ang positivity rate sa Kalakhang Maynila gayundin ang hospital utilization rate.
Ngunit bilin nito, hindi dapat maging kampante ang publiko sa katuwiran na mataas pa rin ang bilang at dapat ay mas mag ingat para tuluyan mapababa ang bilang ng kaso.